






Kumusta, Kaibigan?
Pre-order by Friday and enjoy ₱200 off from regular price, and receive one complimentary wood art print by Roel Obemio for the first 30 orders (random design).
Story by Russel Molina
Art by Roel Obemio
Sumama sa kumustahan ng magkaibigang puno at bantay ng kalikasan!
Language: Filipino with English Translation
Type: hardcover, full-color
ISBN:
978-971-9689-935
Year Published:
2026
TUNGKOL SA MANUNULAT
Si Russell L. Molina ay isang manunulat ng mga aklat pambata at kwentong grapiko. May mahigit tatlumpung aklat na siya. Marami na siyang parangal sa Pilipinas, tulad ng Palanca Awards, PBBY Salanga Prize, at National Book Awards. Noong 2018, napabilang ang isa niyang aklat sa Honour List ng IBBY. Noong 2022, ginawaran siya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng UMPIL. Sa kanyang mga aklat, hinihikayat niya ang mga bata na mangarap, matuto, at mahalin ang sariling kultura.
TUNGKOL SA PINTOR
Ipinanganak si Roel Obemio noong 1967 sa Cagayan De Oro City. Nagtapos siya ng Architectural Drafting sa Don Mariano Marcos Memorial Polytechnic State College of Northern Mindanao at nag-aral siya ng Fine Arts, Major in Painting, sa University of the East.
Dati siyang event caricaturist at naging effects animator sa Fil-Cartoons. Siya ang unang nakatanggap ng pagkilalang “Artist of the Year” at naging presidente din siya ng Saturday Group of Artists. Sa mga bilugan niyang tauhan, kinikilala niyang inspirasyon ang mga
likha ng yumaong maestro ng Colombia na si Fernando Botero.
BUY ONE, DONATE BOOKS TO JUAN
Every purchase of this book is matched with book donations to children from disadvantaged communities in the Philippines in support of CANVAS' One Million Books for One Million Filipino Children Campaign.