Alamat ng Mariposa
Isinulat ni Cepheus Quiñones
Iginuhit ni Don Bryan Bunag
Sinasabing may kapangyarihang magpagaling ng sakit ang mga tela ng sutla.
Hinahabi ni Maria ang mga iyon, at si Ponso naman ang nagtitinda sa bayan.
Pero ilang araw nang hindi nakikita ang mag-asawa.
Kailangang pasukin ng taumbayan ang engkantadong gubat para hanapin sila.
Ano ang makikita nila doon?
Year Published: 2022
Language: Filipino with English translation by Ergoe Tinio
Type: Hardbound, full-color
ISBN: 978-971-9689-57-7
Tungkol sa Manunulat: Si Cepheus I. Quiñones ay nagtrabaho bilang computer specialist sa dating U.S. Naval Base sa Subic Bay na nagpadala sa kanya sa iba’t ibang
pagsasanay sa U.S. at Guam. Nang lisanin ng U.S. Navy ang Subic Bay, pumasok siya sa iba’t ibang gawain, pinakahuli bilang legislative staff sa kongreso.
Nagtapos siya ng mga kurso sa Ingles at sosyolohiya, at naging Fellow sa Journalism ng UP College of Mass Communication. Nagsanay siya sa Komisyon ng Wikang Filipino bilang tagasalin. Ngayon, nasa huling taon na siya ng pag-aaral ng abogasya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, at kasalukuyang paralegal staff sa isang law office.
Tungkol sa Ilustrador: Bilang bata, pinapanood ni Don Bryan Bunag ang pagdaan ng mga ulap sa hardin ng lola niya, kasama ang pusa niyang si Botbot at aso
niyang si Shiro.
Noong 2014, nagtapos siya sa Bulacan State University ng bachelor’s degree sa Fine Arts, major in Visual Communication. Nakapanalo na ng maraming premyong pansining, napili siya bilang grand prize winner sa 2015 Metrobank Art and Design Excellence.
Ngayon, isang interdisciplinary artist si Don at namumuhay at nagtatrabaho sa studio niya, kasama ang anim niyang pusa. Natutuwa pa rin siyang manood ng mga ulap.