Agawan Base
Isinulat ni Jez Martin De Veyra
Inilarawan ni Jericho Moral
“Time out!”
Natatalo ang mga ibon.
Kailangan nila mag-isip ng paraan.
Gusto ni Pogo tumulong para manalo sila.
Pero wala siyang malawak na pakpak
o mataas na kuko, hindi siya mabilis,
at higit sa lahat, napakaliit niya.
Ano ang magagawa niya?
Year Published: 2021
Language: Filipino with English translation by Ergoe Tinio
Type: Hardbound, full-color
ISBN: 978-971-9689-40-9
Tungkol sa Manunulat: Ipinanganak si Jez Martin De Veyra sa payak na bayan ng Palo, Leyte. Dahil lumaki siya sa angkan ng magsasaka, madalas niyang marinig ang halaga ng edukasyon at pagkatuto. Kaya’t mula pagkabata, lagi siyang laman ng lokal na aklatan na pinagmulan ng pangarap niyang makapagsulat ng sariling libro. Paglaon, naging kuwentista siyang nagbabahagi ng mga magkukulay na kuwento. At heto na ngayon ang unang librong niya!
Tungkol sa Ilustrador: Ipinanganak at lumaki si Jericho Moral sa tahimik na bahagi ng lungsod ng Marikina. Noong nasa elemntarya siya, isa sa mga nakahiligan niyang laro ang agawan base. Dito siya bumubuo ng mga stratehiya at taktika para manalo sila ng mga kalaro niya. Ipinaaalala sa kaniya ng librong ito ang kaniyang pagkabata.
BUY ONE, DONATE BOOKS TO JUAN! Every purchase of this book is matched with book donations to two children from the disadvantaged communities in the Philippines in support of CANVAS' One Million Books for One Million Filipino Children Campaign.