May Sungay ang Hari!
Kuwento ni Augie Rivera
Guhit ni Beth Parrocha
Ayon sa lumang kasabihan ng mga Filipino: “May tenga ang lupa, may pakpak ang balita.” Ibig sabihin, walang lihim na hindi nabubunyag. Pero, paano nga kaya malalaman ng isang bayan ang madilim na lihim na pinakatatago ng kanilang haring malupit at gahaman?
Ang “May Sungay ang Hari" ay isang bagong pagsasalaysay ng tradisyonal na kuwentong-bayan mula sa Ilocos na “The President Who Had Horns,” mula sa kalipunang Philippine Folk Tales ni Mabel Cook Cole noong 1916.
Year: 2022
ISBN: 978-971-9689-52-2
Language: Filipino with English translations by Annette Ferrer
Type: Softbound with full-colored pages
Tungkol sa Awtor: Si Augie Rivera ay isang premyadong manunulat ng panitikang pambata at programa sa telebisyon. Nakapagsulat na siya ng lampas sa 20 librong pambata. Ang May Sungay ang Hari! ang kaniyang pangalawang aklat sa CANVAS mula nang isulat niya ang kauna-unahan nitong libro na Mga Puno ni Elias noong 2005. Pinarangalan siya ng 2020 Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas para sa Panitikang Pambata sa Filipino, isang national lifetime achievement award na ibinibigay ng Unyon ng mga Manunulat ng Pilipinas (UMPIL) sa mga katangi-tanging Filipinong manunulat.
Tungkol sa Ilustrador: Si Beth Parrocha ay nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas sa kurso na Fine Arts. Isa siya sa nagtatag ng Ang INK (Ilustrador ng Kabataan), isang samahan ng mga dibuhista at mangguguhit para sa mga bata. Masaya siya sa kaniyang gampanin bilang tagaguhit ng mga librong pambata. Masaya rin siya sa pagdidisenyo ng mga bagay, tulad ng mga pambalot ng mga tsitserya at kendi.
BUY ONE, DONATE BOOKS TO JUAN! Every purchase of this book is matched with book donations to two children from the disadvantaged communities in the Philippines in support of CANVAS' One Million Books for One Million Filipino Children Campaign.