Kakatok-katok sa Bahay ni Benok
Kakatok-katok sa Bahay ni Benok
Kakatok-katok sa Bahay ni Benok
Kakatok-katok sa Bahay ni Benok
Kakatok-katok sa Bahay ni Benok

Kakatok-katok sa Bahay ni Benok

₱1,200.00 Sale Save

Item is in stock Only 3 left in stock Item is out of stock Item is unavailable

Isinulat ni Mon Sy

Inilarawan ni Faye Abantao

 

Sa Sitio San Nikolas, hindi makatulog si Benok. May narinig siyang kumatok sa tapat ng bahay.  Sumilip siya sa bintana.

May mga lalaking nakapaligid. Nang makapasok sila sa bahay, biglang TOK! At sa ilang sandali, nagmadali silang umalis.

Kinabukasan, narinig ni Benok na nawawala ang anak ng mekaniko. Simula noon, gabi-gabi, may kumakatok. Gabi-gabi, may nawawala.

Ano ang gagawin ni Benok at ng Sitio San Nikolas? 

 

Year Published: 2021

Language: Filipino with English translation by Annette Ferrer

Type: Hardbound, full-color

ISBN: 978-971-9689-38-6 

Tungkol sa Manunulat: Noong bata pa siya, pangarap na ni Jose Monfred Sy—Mon Sy, for short—maging Champion Pokémon League. Ngunit dahil mapanganib ito, pinili na lang niyang magtapos ng kurso sa komparatibong panitikan. Lumalagi siya sa mga silid-aralan ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman kung saan hinihikayat niya ang mga kabataan na magbasa ng mga aklat (1/3 ng panahon niya) at magsuri ng lipunan at ng mga kakulangan nito (2/3 ng panahon niya). Kapag hindi nagbabasa, nakikipamuhay sila ng mga kaibigan niya sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, at pambansang minorya. Pagkauwi sa gabi, may baon na siyang mga bagong kuwento. Nagtuturo rin siya sa Bakwit Iskul ng mga kabataang Lumad na lumalaban para sa karapatan nila sa edukasyon.

Tungkol sa Ilustrador: Isang visual artist si Faye Abantao, mas kilala ng mga kaibigan niya bilang Banet. Bunso sa tatlong magkakapatid, siya ay lumaking masayahin at malikot ang kamay—hilig niyang manguha ng ideya sa kalikasan upang gumawa ng mga likhang-sining na sa unang tingin ay panaginip.

Mas nakakagawa siya ng likhang-sining sa gabi kapag tulog na ang lahat at ang tanging gumagambala sa kaniya ay ang mga inspirasyong natatanggap niya mula sa kadiliman at katahimikan. Madalas napapanaginipan niya ang kaniyang mga obra, na nasa loob siya ng mga ito. Madalas ‘di na siya nakakalabas dito. Kung nagigising man siya mula sa mga panaginip na iyon, nagdo-drawing siya para sa mga librong tulad nito. 

BUY ONE, DONATE BOOKS TO JUAN! Every purchase of this book is matched with book donations to two children from the disadvantaged communities in the Philippines in support of CANVAS' One Million Books for One Million Filipino Children Campaign.