Salimbagan
Mga tula ni Vim Nadera
Mga limbag ni Elmer Borlongan
Isinalin ni Cyan Abad-Jugo
Ito ang pangalawang pagtatambalan nina Vim Nadera at Elmer Borlongan para sa isang libro ng mga tula at likhang-sining. Una silang nagsama noong 2012 para sa librong “Rizalpabeto.”
Year Published: 2024
Language: Filipino with English translation
Type: Softbound, full-color
ISBN: 978-971-9689–782
Tungkol sa Manunulat: Propesor sa University of the Philippines - Diliman si Victor Emmanuel Nadera at dating direktor ng Likhaan UP Institute of Creative Writing habang tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas.
Naging editor in chief ng The Varsitarian at kolumnista sa Manila Bulletin, Rappler, Diyaryo Filipino, Hataw, at Pilipino Mirror. Awtor rin siya ng mga libro tulad ng Mujer Indigena, Rizalpabeto, Poetreat, Asinta: Mga Tula at Tudla, at iba pa.
Kinilala siya bilang Makata ng Tao (1985), tumanggap na siya ng Carlos Palanca Awards for Literature (1992), National Book Award (1995/2007), Centennial Literary Prize (1998), The Outstanding Young Men (2003), Quezon Medalya ng Karangalan (2003), SEA Write Award (2006), The Outstanding Thomasian Award (2007), Dangal ng Quezon High (2012), Patnubay ng Sining at Kalinangan (2010/2014), Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (2015), Parangal Hagbong (2021), LIRA Gawad Jacinto (2023), at Golden Leaf Presidential Award (2024).
Tungkol sa Ilustrador:
Edad 11 nang magsimulang mag-aral si Elmer Borlongan ng pagpipinta kay Fernando Sena. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Fine Arts Major in Painting sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Natanggap niya ang prestihisyosong CCP Thirteen Artists Award noong 1994 at ang Metrobank Foundation Award for Continuing Excellence and Service (ACES) noong 2004.
Kabilang sa mga solo exhibitions niya ang Denizens sa UP Diliman CFA Gallery (2018); An Extraordinary Eye for the Ordinary sa Metropolitan Museum of Manila (2018); Elmer Borlongan Draws The Line sa Ateneo Art Gallery (2018); Pinoy Odyssey sa CANVAS Gallery (2015); Labyrith of Kinship sa Pinto Art Gallery (2015); at In City and Country: 1999-2012 sa Ayala Museum. Kabilang sa mga nalimbag niyang libro ay ang Rizalpabeto at The Rocking Horse (Gintong Aklat Award for Best Illustrated Children’s Book 2007).
Lumaki si Elmer sa Mandaluyong City ngunit nagpasyang lumipat sa San Antonio, Zambales, kasama ang kanyang asawang alagad din ng sining na si Plet Bolipata. Doon, magkasama nilang pinatatakbo ang community print studio na Pasilyo Press.
BUY ONE, DONATE BOOKS TO JUAN! Every purchase of this book is matched with book donations to two children from disadvantaged communities in the Philippines in support of CANVAS' One Million Books for One Million Filipino Children Campaign.