Huni sa Kawayan
Huni sa Kawayan
Huni sa Kawayan
Huni sa Kawayan
Huni sa Kawayan
Huni sa Kawayan
Huni sa Kawayan
Huni sa Kawayan

Huni sa Kawayan

₱300.00 Sale Save

Item is in stock Only 0 left in stock Item is out of stock Item is unavailable

Isinulat ni Fernando Rosal Gonzalez

Iginuhit ni Anthony Palomo

Pinapabantayan ni Padre Diego ang mga kawayang nakabaon sa dalampasigan. Mula noon, kapag madaling araw, parang may naririnig si Kikoy na mga ibon. Hindi niya sila nakikiita, pero parang napakarami.

Year Published: 2024

Language:  Filipino with English translation

Type: Softbound, full-color

ISBN: 978-971-9689–812

Tungkol sa Manunulat:

Dating nagtatrabaho si Don sa telebisyon. Sa isang programa, na-interview niya ang master builder ng bamboo organ na si Cealwyn Tagle at ang organistang si Prof. Armando Salarza. Nagawa rin niyang sumiksik sa loob ng Bamboo Organ, at doon niya nakita ang daan-daang tubo ng mga kawayan, kanutilyo, at bakal. Napakaayos ng pagkakahanay ng mga ito at namangha siya sa pajaritos na katunog ng mga ibon.

Mahilig si Don sa mga tauhang hayop, at makikita sila sa mga kuwento niya tulad ng Oyayi, Ang Tungkod ni Sixtha, at The Right Ladder and Other Stories. Sa Huni sa Kawayan, hindi nagsasalita ang mga ibon pero gumagampan bilang sarili nila. Inaalay ng may-akda ang librong ito sa mga kababayan niyang Las Piñero.

Tungkol sa Ilustrador: 

Gradweyt si Anthony ng Fine Arts sa University of the Philippines Dilima, at mga pansertipikong kurso ng electronics sa Univeristy of Santo Tomas at advertisingg sa Maryknoll College.

May mga gantimpala siya mula sa Shell National Students Arts Competition. Kasapi ng dakilang grupong Salingpusa mula sa Antipolo, nagtrabaho siya bilang OFW artist sa Kuala Lumpur, Malaysia. Nagkaroon na siya ng mga eksibit sa Amerika, Europa, at Asya. Ito ang pangalawa niyang libro sa CANVAS, pagkatapos ng Ang Dyip ni Mang Tomas noong 2009.

BUY ONE, DONATE BOOKS TO JUAN! Every purchase of this book is matched with book donations to two children from disadvantaged communities in the Philippines in support of CANVAS' One Million Books for One Million Filipino Children Campaign.