Ang Pusang Kartero
Isinulat ni Genaro Gojo Cruz
Iginuhit ni Mark Jeffrey Santos
Tumaas ang bakod sa pagitan ng dalawang bahay.
Tumaas din ang bakod sa pagitan ng dalawang tatay.
Kahit magpinsan, nadamay:
si Boyet, sa bahay-na-kahoy,
at si Ni ño, sa bahay-na-bato.
Pero walang bakod na tatayo
sa pagitan ng magkalaro,
sa tulong ng pusang kartero.
Language: Filipino with English translation
Type: Hardbound, full-color
ISBN: 978-971-9689-68-3
Year Published: 2023
TUNGKOL SA MANUNULAT
Si Genaro R. Gojo Cruz ay ipinanganak sa Balut, Tondo, Manila ngunit lumaki sa Pastol, Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan. Ito ang kaniyang ikatlong aklat-pambata (Ang Dyip ni Mang Tomas, 2009 at Ipapasyal Namin si Lolo, 2018) na inilathala ng Center for Art, New Ventures & Sustainable Development (CANVAS). Awtor siya ng mahigit sa 100 aklat para sa mga bata. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng sining, panitikan at malikhaing pagsulat sa De La Salle University.
TUNGKOL SA ILUSTRADOR
May mahika sa mga mundong nililikha ni Mark Jeffrey Santos (Mr. S). Parang mula sa panaginip ang mga lugar na ginagalawan ng mga tauhang nanlalaki ang mga mata sa mga higanteng nilalang sa paligid. Nakilala siya bilang ‘Mister Sasquatch’ mula sa mga sining niyang pangkalye. Mula 2015, lumahok na siya sa maraming eksibit, sa loob at labas ng bansa, at nakapaglunsad na ng sampung solo exhibition.
BUY ONE, DONATE BOOKS TO JUAN
Every purchase of this book is matched with book donations to children from disadvantaged communities in the Philippines in support of CANVAS' One Million Books for One Million Filipino Children Campaign.