Ang Punla ng Aratiles (Softbound Edition)
Isinulat ni Eugene Evasco
Iginuhit ni RV Basco
Winner, 27th Romeo Forbes Children's Story Writing Competition
Tinitigan namin ang punla. Parang mga kamay na gustong magpaahon ang mga sanga. Nakakapit sa putik ang mga ugat nito.
Libutin man namin ang buong bayan, alam naming hindi na ulit kami makakakita nito. Malalanta lang ang puno sa bakuran ng pabrika.
Kukunin ba namin?
Year Published: 2023
Language: Filipino with English translation by Annette Ferrer
Type: Hardbound, full-color
ISBN: 978-971-9689–59-1
Tungkol sa Manunulat: Lumaki si Eugene Y. Evasco sa tahanang may katabing puno ng aratiles. Ang hinog nitong mga bunga ay tila matatabang tuldok na nagpapatamis sa bawat hapon. Hitik ang pagkabata niya sa alaala ng mga punong mangga, santol, sampalok, at abokado. Hanggang ngayon, namamangha siya sa mga hiwaga ng kalikasan gaya ng mga kulisap, kabibe, punongkahoy, halaman, at bulaklak. Nangongolekta siya ng mga aklat pambata dahil ang mga ito ay munting museo ng sining at panitikan. Sa pagtatapos ng araw ng pagtuturo, abala siya sa pagpapalago ng mga munting punla ng kuwento, sanaysay, at tula.
Tungkol sa Ilustrador: Noong 16 taong gulang pa lang siya, sumali si RV Basco sa summer workshops para sa watercolor painting. Nag-aral siya ng Industrial Design sa University of Sto. Tomas. Nagsimula siya ng sariling negosyo pagkatapos ng kolehiyo, pero hindi nawala ang pagmamahal niya sa sining. Tuwing may oras, nag-aaral siyang magpinta gamit ang iba’t ibang midyum, tulad ng oil at acrylic. Nagkaroon siya ng unang solo exhibition noong 2016. Sa 2023, ilalabas ang pangsampu niyang solo exhibition. Pag hindi nagpipinta si RV, madalas siyang magbasa ng libro ng kasaysayan, talambuhay, at pilosopiya.
BUY ONE, DONATE BOOKS TO JUAN! Every purchase of this book is matched with book donations to two children from disadvantaged communities in the Philippines in support of CANVAS' One Million Books for One Million Filipino Children Campaign.