I Am the Change in Climate Change (Filipino)
Isulat ni Alyssa M. Peleo-Alampay, Ph.D.
Iginuhit ng Ang Ilustrador ng Kabataan (Ang INK)
Winner, Kids' Choice Awards, 7th National Children's Book Awards (2022)
Painit na nang painit ang mundo. Parami na nang parami ang mga kalamidad. Natutunaw na ang niyebe sa kabundukan. Ang lebel ng dagat, unti-unti na ring tumataas. Ngunit paano nga ba tutugunan ng kabataan ang mga epektong ito ng climate change?
Alamin sa I Am the Change in Climate Change kung paano makikibahagi ang mga kabataan sa pagprotekta ng ating kapaligiran. Gamit ang mga pambatang gawain, sining, at talakayan, layon ng librong ito na mabigyang-kaalaman at lakas ang bawat batang Pilipino upang maging mga kampeon ni Inang Kalikasan.
Age recommendation: 6 to 12 years old
Language: Filipino
Type: Softbound, full-color
Year Published: 2022
Tungkol sa Ilustrador: Ang Ilustrador ng Kabataan (Ang INK) ang pinakauna at natatanging organisasyon ng children's illustrators sa Pilipinas. Layon ng grupo na pagyamanin at paunlarin ang paggawa ng sining para sa mga kabataan at suportahan ang mga manlilikhang Pilipino.
Tungkol sa May-akda: Si Alyssa M. Peleo-Alampay, Ph.D., ay isang propesor ng Geology sa National Institute of Geological Sciences (NIGS) ng Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos siya ng Ph.D. sa Earth Science sa Scripps Institution of Oceanography, University of California, San Diego, USA. Si Dr. Alampay ay isa ring Balik Scientist Awardee ng Department of Science and Technology at kinilala bilang isa sa awardees ng The Outstanding Women in the Nation’s Service (TOWNS) noong 2007.
BUY ONE, DONATE BOOKS TO JUAN! Every purchase of this book is matched with book donations to two children from the disadvantaged communities in the Philippines in support of CANVAS' One Million Books for One Million Filipino Children Campaign.